LAOAG CITY – Naaresto ang ilang mga Filipino sa Milan, Italy, dahil sa paglabag sa kautusan ng gobyerno ng Italya kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Elmer Macadangdang ng Milan, nalaman niya ito sa mga kapwa Pilipino dahil sa mahigpit ang pagpapatupad sa nasabing kautusan.
Gayunman, hindi raw alam ng mga nahuling Pilipino at maging ilang Italian ang naturang kautusan.
Hindi naman matiyak ni Macadangdang kung sila ay kulong ng tatlong buwan at nagbayad ng 206 Euro o katumbas ng mahigit P11,800 matapos madakip ng mga nakadeploy na sundalo.
Unang ipinatupad ng Italy ang lockdown sa kanilang bansa at may ipinalabas na batas kung saan pipirma ang mga tao ng dokumento at ipiprisinta sa mga otoridad bilang permit para sa kanilang mga lakad.