Screenshot 2020 08 01 10 44 13

NAGA CITY – Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon ang isang batang Pinoy na pasok sa blind audition ng “The Voice Kids UK.”

Kinilala itong si Joshua Regala, 15-anyos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regala, sinabi nito na bigla na lamang siyang tinawagan ng The Voice Kids UK para sa blind audition.

Ayon pa dito, sa una ay inakala nilang isa itong scam sapagkat hindi naman aniya ito nag-audition para sa naturang kompetisyon.

Labis din aniya ang kaniyang kasiyahan lalo na’t isa siya sa mga tinatawag na Four Chair Turner.

Dagdag pa nito, nakaka-overwhelm din aniya na makapagtanghal sa isang world stage kasama ang kaniyang ina.

Sa ngayon, inilarawan naman ni Regala sa isang boxing fight ang susunod na round ng kompetisyon.

Samantala, maliban pa sa naturang kompetisyon, kasali din ito sa grupong “The Brightlights” kung saan pasok na rin sa semi-finals ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Anaheim, California.