Nahaharap ngayon sa sintensyang 15-taong pagkakakulong ang isang Pilipino sa Estados Unidos matapos hatulang guilty sa kasong child exploitation.

Kinilala ang Pinoy na si Keith Liwanag, 27-anyos, nakatira sa Queens, New York.

Batay sa ulat, 2018 pa ng maaresto si Liwanag matapos mabatid ang pagbili at pagbebenta nito ng malalaswang video at larawan ng mga menor de edad sa ilang kapwa Pilipino.

Pino-post din umano nito ang mga ito online.