-- Advertisements --

Nakatakdang sumabak sa Formula 4 racing si Filipino young racer na si Iñigo Anton.

Kabilang si Anton sa BlackArts Racing na sasabak sa Sepang International Circuit sa Malaysia sa darating na Disyembre 1 hanggang 3.

Si Anton ay galing sa pamilya ng mga kilalang racers sa bansa na naging 2022 Automotive Association Philippines Circuit Driver of the Year

Nagkampeon din ang 19-anyos na si Anton sa 2022 Toyota Gazoo Racing Vios Cup Circuit Championship sa Super Sporting Class.