Muling bumandera ang Pinoy Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena sa katatapos lamang na 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.
Ito ay matapos na ma-clear niya ang taas na 5.81 meters.
Una rito, kinailangan lamang ni Obiena ang isang attempt para ma-clear 5.61 meters, 5.71 meters, at 5.81 meters.
Gayunman pagsapit ng 5.95 meters umabot siya ng tatlong pagtatangka na kanyang ikinabigo.
Kung nangyaring nagtagumpay siya, nalagpasan sana niya ang kanyang personal best at bagong Asian record.
Ang karibal na American athlete na si Christopher Nilsen, na dating silver medalist sa World Athletics Championships, ay pumangalawa matapos malampasan ang 5.71 meters sa second try.
Ang taga-Australia na si Marschall Kurtis ang nag-uwi ng bronze, nang ma-clear ang 5.71 meters ng ilang beses.
Samantala dahil sa mataas na nalampasan ni Obeina ang 5.81 meters, pasok na siya sa qualifying standard para sa World Championships sa Hungary sa susunod na taon.
Sa darating na Biyernes sasabak na naman si EJ sa panibagong kompetisyon na tinaguriang Athletissima leg ng Diamond League sa Switzerland.