Nakakuha ng gold medal sa virtual kata tournament si Filipino karateka James De Los Santos.

Ito ay matapos talunin niya ang world no. 1 ranking na si Eduardo Garcia ng Portugal sa Athlete’s E-Tournament Series 1.

Ito na ang pang-apat na gold medal sa virtual kata na napanalunan ni Delos Santos.

Sinabi nito na ito na ang pangatlong beses na nakaharap niya si Garcia at talagan nahirapan siya.

Bago niya nakaharap si Garcia ay tinalo ng Pinoy ang pambato ng US sa quarterfinals at ang Bolivia naman sa semifinals.

Target ngayon ni Delos Santos na makuha ang number 1 ranking matpos ang tagumpay sa Balkan Open E-Tournaments, Korokotta Cup 2020 E-Tournaments at Palestine International Karate Cup.