-- Advertisements --

Pinawi ni Filipino gymnast Carlos Yulo ang pangamba ng mga fans sa paglahok nito sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ito ay matapos na dumanas siya ng ankle injury na kaniyang nakuha mula sa mga nagdaang competisyon na sinalihan.

Dahil rin kasi sa nasabing injury ay hindi na ito nakasali sa FIG World Cup series sa Cairo, Egypt noong nakaraang buwan.

Sinabi ng 4-foot-11 na si Yulo na gumagaling na dahil sa nagpagamot siya sa Tokyo.

Pangungunahan kasi ni Yulo ang Philippine gymnastics para sa SEA Games kasama sina Juan Miguel Besana, Jan Gwynn Tymbang, John Ivan Cruz, Justine Ace de Leon at rookie Romeo Santillan.