Pasok na sa quarterfinals ng World Cup of Pool ang pambato ng bansa na sina Jeff De Luna at Roberto Gomez.

Ito ay matapos na ma-upset nila ang nakalaban nila mula sa US sa second round ng torneo.

Hawak ng US pair na sina Skyler Woodwar at Billy Thorpe ang 0-5 na kalamangan hanggang nakabangon sina Gomez at De Luna.

Naipanalo ng dalawang ang pitong sunod na laro par makapasok sa quarterfinals.

Susunod na makakaharap nila sina Denis Grabe at Mark Magi ng Estonia sa torneo na ginaganap sa United Kingdom.

Magugunitang tatlong beses na nakuha ng Pilipinas ang titulo sa nasabing torneo noong 2006 at 2009 ng makuha sa pamamagitan nina Efren “Bata” Reyes at Django Bustamante at noong 2013 sa pamamagitan naman nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza.