Isasagawa ng Debaters for Leni, isang kaalyadong grupo ng #DapatSiLeni, ang isang debate tournament na tinaguriang “Magiting Cup” mula Agosto 28 hanggang 30, eksakto sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day.
Kasamang nag-organisa ng torneo ang debatable, isang debate podcast na pinatatakbo ng mga Pilipino na layong mas mapadali para sa mga kabataang Pilipino na magkaroon ng access sa debate education.
Nakapagtala ang torneo ng halos 300 kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at tampok ang hiwalay na finals series para sa mga boboto sa unang pagkakataon na tinawag na “Bagong Bayani” category.
Tampok sa Magiting Cup ang world-class Filipino debaters at mga pinuno sa kani-kanilang mga larangan bilang bahagi ng adjudication core, kabilang sina dating Gates Scholar Dr. Sharmila Parmanand mula sa University of Cambridge, Indigenous Fashion enterprise CEO Victor Baguilat Jr mula sa Asian Institute of Management, Agricultural at Biosystems Engineer at transwoman activist Hez Casasola mula sa UP Los Baños, double degree at double Summa Cum Laude graduate Jacob Wee mula sa University of Pennsylvania, at ang ekonomistang si Miguel Ventura mula sa UP Diliman.
Agad tinanggap nina Kyle Atega at Nina Tomas, co-creators ng Debatable at kilalang debaters mula UP Diliman, ang proyekto dahil naniniwala sila na ang pagdedebate ay dapat magsimula ng pagkilos sa mga komunidad.
“Magiting Cup was meant to make debaters understand that even in the face of efforts to silence them, their words will still have power,” wika ng dalawa.
Libre ang registration sa tatlong araw na torneo at tampok ang limang preliminary rounds at apat na elimination rounds para madetermina ang bagong kampeon ng bansa.
Bibigyan ang mga kalahok ng paksa 15 minuto bago ang bawat round at bibigyan ng pitong minutong speech para ipagtanggol o tutulan ang paksa,
Naniniwala si Dr. Parmanand, isang international scholar, 3-time Asian Champion at Chief Judge ng 2013 World Debate Championship sa Berlin at tagapagsalita ng Debaters for Leni na taglay ni Robredo ang katangian na nagpapakita ng pananaw ng Philippine Debate Community.
“Robredo’s commitment to respectful discourse with people across social classes and ideologies, and her willingness to listen to the needs of the most vulnerable groups, should be normalized in our political culture,” wika niya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Wee, na dating National High School Champion, na mahalaga ang torneo upang maisulong ang katangian ng malaya at demokratikong proseso ng halalan.
The Philippines is my home, and, even as I study and work abroad, I can speak for many Filipinos overseas that we dream of a better Philippine government for all,” ani Wee.
2022 eleksiyon mahalaga sa ating kaligtasan.
Sinabi naman ni Atty. Clyde Gregorio, spokesperson ng #DapatSiLeni, na layon ng pagkilos na magtatag ng mas malawak na koalisyon at pagsama-samahin ang pagsisikap ng lahat ng sektor, mula sa maliliit na komunidad, kabataan, OFWs, academics at mga rehiyon sa bansa.