-- Advertisements --
Pormal ng hinirang bilang World Chess Hall of Fame ang unang grandmaster ng Asya na si Eugene Torre.
Dahil dito ay si Torre ang naging unang lalaki sa Asya na tinanghal bilang world chess hall of fame.
Sa talumpati ng 72-anyos na si Torre sa Union Station sa Missouri ay pinasalamatan ang asawang si Lina dahil sa buong suporta nito sa kaniyang sports na napili.
Katuwang kasi nito ang maybahay para makamit ang kanilang adhikain sa buhay at naging maganda ang resulta matapos na matanghal bilang world chess hall of fame.
Sa edad kasi nito na 22 ay naging unang Asian na maging GrandMaster.
Siya ay nasa rank 2437 sa FIDE rating.