-- Advertisements --

Nagwagi si Filipino boxer Mercito “No Mercy” Gesta laban kay Joel Diaz Jr ng US.

Sa ginanap na paghaharap ng dalawa sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California ay nakuha ni Gesta ang unanimous decision.

Nagawa pa nitong patumbahin ng dalawang beses ang 30-anyos na si Diaz.

Ito ang unang panalo niya mula noong 2019 kung saan nakakuha siya ng technical draw kay Carlos Morales at pagkatalo kay Juan Antonio Rodriguez.