Tuloy na ang laban ni Filipino boxer Marlon Tapales kay Japanese superstar Naoya Inoue.
Gaganapin aniya ang paghaharap ng dalawa sa Disyembre 26 sa Japan.
Ang nasabing laban ay bilang unification bout ng apat na super bantamweight belts.
Si Inoue ay mayroong WBO at WBC super bantamweight habang si Tapales ay mayroong WBA at IBF champion.
Dating undisputed bantamweight world champion si Inoue bago ito umakyat ng timbang sa super bantamwieght kung saan tinalo niya si Stephen Fulton ng US noong Hulyo 25 para makuh ang WBO at WBC title sa loob ng walong round na technical knockouts.
Sakaling magwagi ito laban sa Pinoy boxer ay magiging siya ang pangalawang boksingero na mag-unify sa lahat ng apat na major belts sa dalawang division kasunod ni Terrence Crawford ng US.