Nakamit ni Filipino middleweight champion Eumir Marcial ang gold medal sa 2020 Asia and Oceania Olympic boxing qualifying tournanment.

Ito ay matapos talunin si Abilkhan Amankul ng Kazakhstan sa laban ng ginanap sa Amman, Jordan.

Nahigitan ni Marcial ang si Amankul at nakuha ang 3-2 na panalo sa kanilang gold medal match sa middleweight class.

Sa unang dalawang round ay pinaulanan na ni Marcial ng mga suntok ang kalaban hanggang napilitan pang yumuko dahil sa sakit.

Magugunitang pasok na si Marcial sa Tokyo Olympics bago pa man makarating sa semifinals.