-- Advertisements --

Nagsagawa ng matinding ensayo si reigining World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero.

Ito ay kabilang sa kaniyang paghahanda sa kaniyang pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Paul Butler sa M&S Bank Arena sa Liverpool, England.

Noong nakaraang linggo ng dumating sa United Kingdom si Casimero.

Magugunitang hindi natuloy noong Disyembre ang laban ng dalawa matapos na ginanap sana sa United Arab Emirates ng magtamo ng gastritis ang Pinoy boxer dahil sa hirap itong makuha ang kaniyang timbang.

Tinanggap ng WBO ang rason nito kaya hindi tinanggal ang knaiyang titulo subalit kanilang tatanggalin ito kapag bigo itong sumipot sa laban nila ni Butler.