-- Advertisements --

Nasa United Kingdom na si Reigning WBO world bantamweight champion John Riel Casimero para sa nalalapit na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Paul Butler.

Gaganapin ang paghaharap ng 33-anyos na si Casimero kay Butler sa darating na Abril 22 sa Echo Arena, Liverpoool, England.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang Ormoc City native ng mga larawan habang ito ay nasa UK.

Mayroon record si Casimero ng 31 panalo, apat na talo at 21 knockouts.

Huling laban nito ay noong Agosto ng talunin niya si Guillermo Rigondeaux sa pamamagitan ng split decision.