bowling sea games 1

Humahataw sa puntos ang Pinoy bowling team para masungkit ang inaasam asam na gintong medalya.

Ngayong araw ang 2nd set ng Men’s and Women Master category.

Pagkatapos ng laro susunod na ang stepladder semi-finals at finals at dito na rin gaganapin ang victory ceremony.

Umangat sa puntos si Patrick Nuqui na nasa panglimang pwesto ngayon at kahapon nasa pang pitong pwesto.

Habang si Merwin Tan naman na nasa pang limang pwesto kahapon, pero ngayon ay nasa pang anim na pwesto ito.

Si Billy Muhammad Islam ng Indonesia ang nananatili sa unang pwesto na may puntos na 3406, pumapangalawa si Muhd Jaris Go ng Singapore na may 3298 at Ryan Lalisang ng Indonesia ang pangatlo na may 3219 points.

Sa womens category, Singapore ang nangunguna.

Si New Hui Fen na may puntos na 3101, sumunod si Shayna Ng na may puntos na 3051 at Cherrie Tan 3037 points.

Habang si Lara Posadas Wong ng Pilipinas nakakuha ng 2959 points.