Nagtala ng panibagong personal record ang tinaguriang ‘Pinoy Aquaman’ na si Ingemar Macarine.
Ito ay matapos na matagumpay niyang nilangoy ang 10-kilometrong open water sa karagatan ng Capiz.
Nahigitan ng 47-anyos na si Macarine ang kaniyang naunang record na 10K open water swim na isinagawa sa Masbate noong nakaraang taon.
Umabot sa tatlong oras at 15 minuto lamang ang record na naitala sa Capiz kumpara sa Masbate na mayroong apat na oras at 22 minuto ang oras nito.
Lumangoy din ito sa 800-meters mula sa 10 kilometers na paglangoy mula sa Olotayan Island patungo sa Roxas City.
Ang nasabing record ay siyang pang-38th successful open water swim na siyang nakapagtala ng record na unang tao na nakatawid mula Olotayan Island patungo sa mailand Roxas City.