Inamin ni dating Agriculture secretary at ngayo’y Mindanao Development Authority (MinDA) chairman Manny Piñol na ilang malalaking personalidad sa pulitika ang nasa likod ng kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng DA.
Sa kanyang internet post sinabi ni Piñol na nakaapekto rin ang mga miyembro ng Economic Managers ng pangulo sa paghahain niya ng courtesy resignation noong Hunyo.
“At odds with the Economic Managers and a very powerful political personality, I felt then that I would get nowhere in my dream to serve the farmers and fisherfolks.”
Nagpasalamat ang dating DA secretary sa stakeholders dahil sa suportang ipinaabot ng mga ito sa kanyang tatlong taong panunungkulan.
Pero ikinalungkot din nito ang pag-alis sa Agriculture department dahil hindi na raw niya matutuloy ang mga plano para sa sektor ng agrikultura.
“I thank the stakeholders of Agriculture for their support and at the same time beg for their understanding for my decision to leave the Department of Agriculture.”
Kabilang sa Economic Managers ng pangulo ang kalihim ng Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM) at National Economic and Development Authority (NEDA).
Hindi na pinangalanan ni Piñol ang kanyang sinasabing makapangyarihang mga personalidad.