-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng Ilkley Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Filipino-Australian Lizette Cabrera, sa score na 7(7)-6, 6-3.
Nagtapos ang laro ng isang oras at 46 minuto sa torneo na ginanap sa Northern England.
Ito ang unang kompetisyon ni Eala matapos ang kabiguan sa Birmingham Classic.
Si Eala ay ranked 77 habang si Cabrera na ang magulang ay kapwa Pinoy ay ranked 206.
Susunod na makakaharap ni Eala si Valentina Ryser ang ranked 230 mula sa Switzerland.