Natapos na ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa W25 Grenoble tournament.

Ito ay matapos mabigo kay Maja Chwalinska ng Poland sa nasabing quarterfinals ng torneo.

Nakuha kasi ni Chwalinska ang straight set victory laban kay Eala sa score na 6-0, 6-4.

Bago makapasok sa quarterfinals ay tinalo ni Eala si Cristina Bucsa ng Spain sa second round.

Ito na ang pang-apat na sunod na quarterfinals appearance sa mga torneo.

-- Advertisement --

Noong nakaraang taon ay nagwagi ang 15-anyos na Pinay sa Australian Open Juniors doubles titles na nakapasok sa semis sa French Open Juniors.