Butuanon Gymnast2
Butuanon Gymnast

BUTUAN CITY – Humakot ng limang gintong medalya ang dalawang teenage Filipina gymnasts na myembro sa Philippine National Women’s hythmic Gymnastics Team sa kanilang naging laban sa tatlong bansa sa Europa.

Itinaas ni 13-anyos na su Breanna Labadan ng Butuan City ang bandera ng bansa matapos ilampaso ang iba pang representante ng bansa sa Junior Individual All-Around titles ng gymnastic meet na isinagawa sa Slovakia, Hungary, at Denmark.

Sa pamamagitan ng nakakamangha na performances nahakot ni Labadan ang tatlong gintong medalya sa sinalihang Liptov Cup 2019 na isinagawas nitong Nobyembre 17 sa Liptovsky, Slovakia, 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnastics Meet noong Nobyembre 10 sa Hungary, at ang RG Friends Masters Gymnastics Meet noong Nobyembre 2 at 3 sa Denmark.

Samantala dalawang gintong medalya naman ang nakamit ni Daniela Reggie Dela Pisa ng Cebu matapos ang impresibong routines nito sa Senior Individual All-Around titles sa Slovakia at Hungary. Napag alamang si Dela Pisa ang kasama sa team ng gymnast ng bansa na lalaban sa 30th

Southeast Asian Games na magsisimla sa December 1 hanggang 9 sa historic Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Samantala si Labadan ay nakatakdang lalaban sa Estados Unidos at Hungary sa taong 2020.