Nabigyan na rin ng COVID vaccine ang Pinay nurse na si May Parson, ang nagturok ng bakuna sa kauna-unahang recipient sa United Kingdom na 91-anyos na si Margaret Keenan.

Ayon sa pamilya ni Parson, isinama na rin si May sa mga nabigyan ng bakuna, matapos itong ma-expose sa iba’t-ibang tao na kaniyang binigyan ng COVID vaccine.

Masaya naman ang pamilya ni Parson sa inaaning papuri dahil sa kaniyang trabaho bilang health worker sa ibang bansa.

Maging ang ibang Filipino sa UK ay qualified rin sa unang buhos ng mga babakunahan para sa naturang sakit.