CEBU CITY-Talaga umanong napakahirap nang sitwasyon kung madapuan ng sakit na COVID-19.
Ito ang nasambit ng isang Pinay nurse na COVID-19 survivor nang ibahagi nito ang karanasan sa Bombo Radyo Cebu.
Ayon kay Arlou Anne Klein Mangantil Marsal, isang nurse sa Paris, France na nakaramdam siya ng anxiety at pag-alala kung makakaya ba niya ang nakakamatay na virus.
Nakakatakot at hindi umano nakakatuwa ang naturang sakit dahil hindi nagtatagal ang mga taong bumibisita sa kanya sa hospital at naapektuhan ang kanyang pamilya.
Kwento ni Marsal na bago siya madiagnose, nakaranas ito ng mataas na lagnat, pagsakit ng kalamnan at nahirapan siyang huminga. Ngunit sa kabila ng kanyang karamdaman ay nakuha pa rin nitong magvideo at mag-alay ng dasal kung saan paniniwala nitong “God will make a way, when it’s seems to be no way.”
Payo naman nito sa mga Pilipino sa Pilipinas na sumunod sa utos ng gobyerno at hindi na magmamatigas pa na lumabas ng bahay.
Habang doon umano sa France ayon kay Marsal ay walang ipinatupad na lockdown ngunit kung lalabas sila para bumili ng mga kakailanganin, magpapakita ito ng explanation letter kung bakit sila lalabas.
Wala rin umanong relief mula sa government dahil sinusweldohan pa rin sila ng kanilang employer kahit walang trabaho.