Maureen Montagne
Maureen Montagne/ FB image

Tinanggihan ni Pinay beauty queen Maureen Montagne na tanggapin ang titulong Miss Eco International 2019.

Ito ay matapos tanggalan kay Suheyn Cipriani ng Peru ang korona dahil sa isyu ng pagbubuntis.

Ayon sa Miss Eco International Organization, na naghahanap pa rin sila ng papalit kay Cipriani.

Pinasalamatan din nila si dating Miss Peru dahil sa mga ginawa nito lalo na sa mga adbokasiya nila.

Sa kaniyang Facebook post, ipinaliwanag ni Maureen kung bakit hindi niya tinanggap ang titulo kahit na siya ang nararapat matapos na maging 1st runner sa Miss Eco International 2019.

Sinabi nito na nakatuon na ngayon ang kaniyang atensiyon sa Binibining Pilipinas Charities Inc. na kaniyang sinalihan.

Labis ang pasasalamat din nito sa mga organizers ng Miss Eco International dahil sa pagpili sa kaniya.