-- Advertisements --

Inilipat sa pagiging house arrest mula sa kustodiya ng military ang pinatalsik na civilian leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.

Dinala si Suu Kyi sa gusali na pag-aari ng gobyerno sa Nay Pyi Taw para doon niya isagawa ang house arrest.

Ang 78-anyos na datng lider ay nahatulan ng 33-taon na pagkakakulong matapos na siya ay patalsikin noong Pebrero 2021.

Itinanggi nito ang alegasyon sa kaniyang pamumuno sa mga nagaganap na genocide na sanhi ng pagkasawi ng mga Rohingya minority group na kagagawan ng mga military.