BAGUIO CITY- Natanggap na ni Annie Margaret Tauli ang tulong pinansiyal na P65, 000 na pinangungunahan ng lokal a gobierno ng Baguio City at mga miyembro ng PNP Cordillera sa Baguio City Hall.

Mabigbigyan din ng housing assistance si Tauli mula sa National Housing Authority

Maibibigay kay Tauli ang house and lot package sa Region 10 partikular sa Misamis Oriental, cash assistance para sa housing construction na aabot sa P450, 000 cash assistance para sa housing repair na aabot sa P100,000.

Maaalalang, sumuko sa mga otoridad si Tauli na top official ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) sa Kin-iway, Besao, Mountain Province para linisan ang kanyang pangalan.