Dumating na ang emergency medical supplies ng World Health Organizations sa bansang Sudan.
Ang nasabing shipment ay ibiniyahe mula sa Dubai, sa pamamagitan ng air assets, kung saan lumapag ito sa Port Sudan, ilang kilometro ang layo mula sa naging sentro ng labanan.
Ayon sa WHO, ang dumating na shipment ay ipapamigay sa 13 health facilities sa buong Sudan, at maaaring gamitin ng nasa 165, 000 katao.
kinabibilangan ito ng trauma and emergency surgical equipment, na may kabuuang 30 tons ang timbang. Ito na ang kauna-unahang shipment ng mga mga gamot na dumating sa Sudan, simula mag-umpisa ang kaguluhan doon nitong kalagitnaan ng Abril.
Gayonpaman, posibleng dedepende pa rin daw ang maayos na distribusyon nito sa mga ‘security and acces’ clearance sa kabuuan ng Sudan, na sa ngayon ay wala pa ring katiyakan.
Sa ngayon, iniulat ng WHO, na may dialogoue sa pagitan ng Sudanese Army at paramilitary Rapid Support Forces, para sa posibilidad na maresolba na ang hidwaan sa pagita ng mga ito.
Maalalang ilang lingggo matapos mag-umpisa ang giyera sa pagitan ng dalawang tropa, iniulat noon ng WHO na umabot sa mahigit 300 katao ang namatay habang libo-libong katao na rin ang nasugatan, kasama ang mga kababaihan ang mga bata.