-- Advertisements --

Isinaalang-alang na ng Department of Health (DOH) ang kaso ng babaeng Finnish, na kinilala bilang unang Omicron subvariant BA.2.12 case ng bansa bilang “case closed’.

Base sa kanilang close monitoring sa loob ng dalawang linggo o isang incubation period , lahat ng close contacts nito ay walang naranasang sintomas.

Matatandaan, ang babaeng Finnish ay may siyam na close contacts sa Quezon City, lima sa Benguet, at 30 habang nakasakay siya sa isang eroplano papuntang Maynila.

Dumating siya sa Pilipinas noong Abril 2.

Naka-recover ang pasyente mula sa Covid-19 at nakabalik sa kanyang sariling bansa noong Abril 21.