-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang lalaking giant panda na nasa pangangalag ng tao.
Ang panda na si An An ay may edad na 35 o katumbas ng 105 taon ng isang tao.
Ayon sa Hong Kong Theme park napilitan na ilang isailalim ito sa euthanization dahil sa labis na panghihina nito.
Hindi na rin ito kumakain kaya nagdesisyon na sila na i-eutanized siya.
Ang nasabing panda ay hawak ng Ocean Park sa Hong Kong mula pa noong 1999.
Si An An at Jia Jia na isang babaeng giant panda na namatay noong 2016 ay regalo mula sa gobyerno ng China.










