-- Advertisements --
Nakapagtala na naman ng 353 na panibagong kaso at 10 naman na nakarekober sa coronavirus disease(COVID-19) ang Cebu City nitong Martes, Hunyo 30.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng naitala sa loob lang ng isang araw.
Sa ngayon, umabot na sa 5,494 ang kabuuang kaso ng nasabing virus sa lungsod kung saan 2,723 na ang nakarekober at 169 na ang namatay. Nasa 2, 602 naman ang total active cases nito.
Samantala, 37 naman ang naidagdag na kaso sa Lapu-Lapu City na naging dahilan na umabot sa 604 ang total confirmed cases sa lungsod, 129 ang nakarekober at 20 namatay.
Habang sa Mandaue City naman, umabot na sa 787 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso, 253 na mga gumaling at 19 na namatay dahil sa dalawang panibagong naidagdag nitong Martes.