-- Advertisements --

Binuksan na sa Poland ang tinaguriang pinakamalalim na diving pool sa buong mundo.

May lalim ito na mahigit 45.5 meter o katumbas ng 150 talampakan na mula sa artificial underwater caves at Mayan ruins.

Ang Deepspot na matatagpuan malapit sa Warsaw ay may lawak na 8,000 cubic meters na tubig o katumbas ng 20 beses sa ordinaryong 25-meter na swimming pool.

Nahigitan nito ang kasalukuyang may hawak ng record mula sa Montegrotto Terme sa Italy na mayroong 43 meter ang lalim.

Isa namang malalim na diving pool ang nakatakdang buksan sa 2021 at ito ay ang Blue Abyss na mayroong 50 metro ang lalim.