-- Advertisements --

Nagdulot ng pagbaha sa bahagi ng Berlin, Germany matapos na mabasag ang higanteng aquarium.

Ang “AquaDom” na matatagpuan sa Hotel Radisson Blue ay naglalaman ng ilang milyong litro ng tubig at mahigit 1,500 tropical fish.

Itinuturing ito na pinakamalaking free-standing cylindrical aquarium sa buong mundo.

Nasugatan naman ang dalawang katao sa insidente na agad na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.

Karamihan aniya sa mga isda ay namatay kung saan inilipat sa ibang lugar ang ilang guest ng hotel.

Ayon sa ilang mga nakasaksi na nakarinig ang mga ito ng malakas na pagsabog at pagyanig ng mangyari ang insidente.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing insidente.