Nagsimula ng maglayag ang pinakamalaking cruise ship sa buong mundo na Icon of the Seas mula sa Florida, USA.
Ang naturang cruise ship ay inooperate ng Royal Carribean International. Ito ay dadaong sa ilang mga pantalan sa eastern Carribean region.
Sa laki ng naturang cruise ship, may kapasidad itong magsakay ng 8,000 mga pasahero at crew.
Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang environmental groups kaugnay sa posibleng panganib dala ng cruise ship dahil maaaring maglabas ito ng mga kemikal sa himpapawid.
Subalit ayon naman sa Royal Carribbean, ang Icon of the Seas ay 24% na mas episiyente pagdating sa pagkontrol ng inilalabas nitong carbon kumpara sa kung ano ang required ng global shipping regulator na International Maritime Organization.