Nakibahagi sa joint drills ang pinakamalaking barkong pandigma ng Australia kasama ang Pilipinas at Estados Unidos sa bahagi ng West Ph Sea.
Nilalayon ng nasabing pagsasanay na palakasin ang defense cooperation sa harap ng lumalagong presensyang militar ng China.
Kung matatandaan, nag-deploy ang China ng daan-daang coast guard, navy at iba pang sasakyang pandagat para magpatrolya at sa pinagtatalunang karagatan, na halos buong-buo nitong inaangkin sa kabila ng internasyonal na desisyon na ang posisyon nito ay walang legal na batayan.
Ang HMAS Canberra ay isa sa ilang mga barkong kabilang sa Exercise Alon in the Ph na gaganapin sa unang pagkakataon bilang bahagi ng taunang aktibidad ng Indo-Pacific Endeavor ng Australia.
Mahigit 2,000 tropa mula sa Australia at Pilipinas ang nakikibahagi sa air, sea at land exercises.
Humigit-kumulang 150 US Marines ang nakibahagi din sa nasabing aktibidad.
Una na rito, magdaraos din ang United States, Japan at Australia ng joint naval exercises sa Pilipinas ngayong linggo.