-- Advertisements --

Nagtala ng record ang isang kidney stone na nakuha sa isang pasyente sa Sri Lanka.

Ang tinaguriang pinakamalaking kidney stone sa buong mundo ay may sukat na 5.26 pulgada at bigat na 801 grams.

Tinangga ito ng mga Army doctors ng Sri Lanka mula sa isang pasyente noong Hunyo 1 sa Colombo Army Hospital.

Nahigitan nito ang nakaraang may hawak na record na may laking 13 centimetro ang haba na nakuha sa India noong 2004 at ang pinakamabigat na mayroong 620 grams na naitala sa Pakistan noong 2008.

Ang nasabing bagong dalawang record na ito ay kinumpirma ng Guinness World Record.

Ang kidney stones ay isang uri ng solidong materyales na namumuo sa kidney.

Maari lamang ito ng maiwasan sa regular na pag-inom ng tubig at pagbawas sa pag-inom ng mga inuming may sodium.