-- Advertisements --
Nangako si Senate committee on public order chairman Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na babantayan ang proseso ng pagpaparusa laban sa pulis na namaril sa lalawigan ng Tarlac.
Ayon kay Dela Rosa sa panayam ng Bombo Radyo, hindi nila hahayaang makaalpas na muli sa kinakaharap na usapin si P/SSgt. Jonel Nuezca, kagaya nang nangyari sa ilang kaso nitong grave misconduct at drug related issue.
Para sa dating PNP chief, dapat ipataw kay Nuezca ang pinakamabigat na parusa, dahil sa karahasang ginawa nito.
Hindi rin sang-ayon ang mambabatas sa mga nasa uniformed service na nakikisimpatiya pa sa nakapiit na pulis.
Dapat aniya ay magkaroon ng malawakang paglilinis para maalis na nang tuluyan ang mga ganitong law enforcer.