Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula noong buwan ng Hunyo.
Ayon sa Health department, umabot lamang sa 676 ang bagong kaso ng COVID-19.
Pinakamababa ito mula noong June 28.
Ayon sa Department of Health, ang active cases ay bumaba rin sa 19,340 mula sa dating 20,227.
Dahil naman sa bagong infection ay mayroon nang nationwide tally na aabot sa 4,005,157.
Sa nakaraang dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang mayroong pinakamataas na bilang ng covid na 4,817 at sinundan ng Calabarzon na may 2,977, Central Luzon na mayroong 1,736, Western Visayas mayroong 1,665 at Davao Region na may 1,158.
Nakapagtala naman ang DoH ng karagdagang 1,544 recoveries kaya ang overall tally ay umakyat na sa 3,921,708.
Pero mayroon namang 35 bagong namatay kaya ang death toll ay umakyat pa sa 64,109.