Maswerteng nakaligtas ang pilotong sakay ng pinaka-bagong fighter jet ng Russia habang nasa kalagitnaan ito ng training mission malapit sa Komsomolsk-on-Amur.

Ang produksyon ng Su-57 aircraft ay upang ipantapat sa stealth fighter jets ng America.

Kinumpirma naman ng United Aircraft Corporation (UAC) na walang nasaktan o nasira dahil sa insidente.

Unang lumipad sa himpapawid ang Su-57 noong 2010. Kaya nitong magkarga ng mga sophisticated equipment art armas. Ang twin engine aircraft na ito ay dinisenyo ng Sukhoi company para makipag-kumpetensya sa U.S. F-22 Raptor stealth fighter.

Ayon kay Gen. Valery Gerasimov, Chief of the General Staff of the Armed Forces, ito ang kauna-unahang Su-57 na pumalpak mula sa 10 eroplanong ginawa ng nasabing kumpanya.

Mayroong 67 orders ang Russian airforce ng narurang aircraft na nakatakdang ideliver sa 2028.