-- Advertisements --
Magsisimula ngayong araw ang pinaiksing oras ng mga pasok sa mga public schools sa lungsod ng Maynila.
Base sa inilabas na Memorandum No. 140 s. 2024, na pirmado ni Manila Chief Education Supervisor Nerissa R. Lomeda, na mula Abril 11 hanggagn Mayo 28 ay lahat ng mga pasok sa public school ay mula ala-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa nararanasang init ng panahon.
Una rito ay nagpatupad na rin ang lungsod ng Makati ng pagbabago ng oras ng pasukan sa mga public schools.
Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na sinimulan na nila ang pagpasok ng ala-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at 3:30 ng hapon hanggang ala-7:30 ng gabi para sa afternoon shift.