Tukoy na umano ng militar sa Western Mindanao ang general area kung saan posibleng dinala at itinago ang dinukot na British national at Pinay na misis nito.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana hindi tumitigil ang kanilang pagsisikap para ma-rescue mula sa mga dumukot.

Tumanggi naman si Sobejana kung anong lugar ito ng para raw hindi maantala ang kanilang isinasagawang effort.

Sa ngayon, positibo ang militar na hindi pa nakakalabas ng Zamboanga del Sur ang mga biktima.

Dagdag pa ni Sobejana, nakatutok din sila sa kaso dahil may mga maling impormasyon na kumakalat hinggil sa posibilidad na hawak ng Abu Sayyaf ang mag-asawang Hyrons.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Joint Task Force Hyrons lalo na sa mga tinukoy na persons of interest.