Banta sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa ang nagsusulputang iba’t ibang variants ng coronavirus, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Partikular na tinukoy ni Diokno sa unang araw ng deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa proposed P5.024-trillion proposed national budget ang Delta coronavirus variants, na sa ngayon ay dumarami na ang bilang ng tinatamaan sa bansa.
Dahil dito, mahalaga aniyang gawing mabilis ang rollout ng COVID-19 vaccines at tiyaking maayos ang health care system ng bansa.
Mahalaga aniya ito para mapanatili ang unti-unting pagbangon ng ekonomiya, na unang naramdaman sa second quarter ng taon nang maitala ang 11.8 percent gross domestic product (GDP) growth.
Naging posible ito dahil aniya sa Bayanihan 1 at 2 Acts, pag-apruba sa CREATE Law at Fist Act, pati na rin sa iba’t iibang public health measures, fiscal stimulus at structural reforms na ipinatupad.
Bukod dito, ang unti-unti na ring bumabagal ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin.