-- Advertisements --

Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na magtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng kalihim ng Department of Agriculture.

Sa nasabing hakbang ay para matututukan na ng DA ang mga isyu na agrikultura lalo na sa may kinalaman sa food security.

Mararapat na ang mapipili sa DA ay yung may malawak na kaalaman sa paghawak sa mga usapin ng agrikultura.

Makakatulong din ito sa pangulo dahil wala ng ibang iisipin pa bilang pansamantalang tagapangasiwa ng DA at makakatutok na ito sa trabaho bilang pangulo ng bansa.