Reading Time: 1 minute
Delta airlines
Delta airline/ IG post

Inaresto ang isang piloto ng Delta airline dahil sa pagiging lasing nito.

Sinabi ni airport spokesman Patrick Hogan, hindi na pinayagan pang makapasok sa eroplano na nakaparada sa Saint Paul International Airport ang piloto na si Gabriel Lyle Schroeder.

Matapso ang ginawang imbestigasyon ng mga airport police ay agad na inaresto ang 37-anyos na piloto mula sa Minnesota.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi na dumaan pa sa karagdagang screening na isinagawa ng TSA.

Hinihintay pa ng mga otoridad ang toxicology results bago nila isampa ang kaukulang kaso.