Magsisimula na sa Setyembre 25 sa mga piling paaralan sa buong bansa ang pilot run ng recalibrated Kindergarten to Grade 10 (K-10) curriculum ng basic education, ayon yan sa Department of Education (DepEd).
Tatlumpu’t limang paaralan ang lalahok sa pilot run ng bagong MATATAG K-10 curriculum na inilunsad noong Agosto 10.
Batay sa listahang ibinigay ng Department of Education sa mga miyembro ng media, lima sa mga paaralan ang nasa National Capital Region (NCR), partikular na sa Malabon City.
Tag li-limang paaralan din mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Visayas, Soccsksargen, at Caraga ay makikiisa rin sa pilot implementation.
Nauna nang sinabi ni DepEd deputy spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas na pagsasama-samahin ng naturang ahensya ang lahat ng findings at resulta ng pilot run na ito bilang paghahanda sa phased implementation sa mga susunod na taon.