-- Advertisements --
image 544

Pumangalawa ang Pilipinas mga pinaka-apektado ng terorismo na bansa sa buong Asia-Pacific region ayon sa Global Terrorism Index 2023.

Ito ay matapos na makapagtala ng 6.33 o may katumbas na “medium impact” na score ang Pilipinas batay sa resulta ng pinakahuling survey ng nito.

Habang ang bansang Myanmar naman ang nanguna bilang “top most country” na apektado ng terorismo sa buong rehiyon matapos itong makakuha ng 7.98 na score o may katumbas na high impact, na sinundan naman ng mga bansang Indonesia, Thailand, at New Zealand.

Samantala, kung “globally” naman ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay nasa ika-18 spot na apektado ng terorismo mula sa 163 na mga bansa sa buong mundo.

Mas mababa ito kumpara sa una nang naitala noong nakaraang taon kung saan nasa ika-17 spot ang bansa na may score na 6.79.

Batay kasi sa 2023 report, naitala ng Pilipinas ang lowest level of terrorism nito kabilang na ang 20 insidenteng may kaugnayan sa terorismo, 18 fatalities, at 38 injuries na nauugnay sa terorismo.