-- Advertisements --
image 215

Pinaplano na ng pamahalaan ang pag-angkat ng bakuna laban sa bird flu upang matuldukan o mapigilan ang lalo pang pagkalat nito sa mga manok sa bansa.

Ayon sa DA, ang naturang hakbang ay una nang ipinag-utos ni PBBM sa layuning maibalik muli ang sigla ng pagmamanukan sa Pilipinas.

Una rito ay nakipag-pulong si PBBM sa pinakamalaking animal company sa Indonesia at nangako naman ang naturang kompanya na mamumuhunan ito ng hanggang $2 million para sa vaccine development sa Pilipinas.

Hangad ng DA na sa pagpasok ng mga bakuna sa Pilipinas ay babalik na ang kumpiyansa ng mga magsasaka sa industriya ng pagmamanukan at sisigla na mili ang naturang industriya.

Sa kasalukuyan, malaking bahagi ng supply ng karne ng manok sa Pilipinas ay mula sa ibang mga bansa.

Kabilang sa mga bansa kung saan umaangkat ang Pilipinas ng bulto-bultong karne ng manok ay ang Brazil, US, Canada, atbp

Sa mga nakalipas na buwan una na ring binawi ng Pilipinas ang poultry ban sa ibang mga bansa na unang nakitaan ng mga kaso ng bird flu.