Tinatahak ng administrasyong Marcos ang tamang landas upang matiyak ang malakas na pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa mga Washington-based business and financial leaders.
Binanggit ni Pangandaman na nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng “karaniwang” obserbasyon tungkol sa positibong pananaw sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sa kabila nito, kinilala ni Pangandaman na mayroong “patuloy na external challenges sa pagbawi at pagbabago ng ekonomiya.”
Gayunpaman, sinabi niya na tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na ang panukala nitong 2023 national expenditure program at structural reform initiatives ay makakatugon sa economic prosperity agenda nito.
Sinabi ng DBM chief na ang PHP5.268-trillion national budget para sa 2023, na 4.9 percent na mas mataas sa 2022 budget, ay aabot sa humigit-kumulang 22.2 percent ng gross domestic product (GDP) sa susunod na taon.
Sinabi niya na ang gobyerno ay gumawa din ng “agresibo” na pagtaas ng badyet sa mga prayoridad nitong sektor, kabilang ang panlipunan at pag-unlad ng tao, agrikultura, at imprastraktura.
Sinabi rin ni Pangandaman na ang administrasyong Marcos ay gumawa ng eight-point socioeconomic agenda upang makamit ang mga layunin nito sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework (MTFF).