-- Advertisements --

Napili ang Pilipinas na maging host ng men’s volleyball World Championship sa susunod na taon.

Ito ang unang pagkakataon na maging host ang bansa matapos ang 19-taon na hindi pagsali ng Pilipinas sa men’s volleyball.

Natalo ng Pilipinas sa isinagawang drawlots ang mga bansang Indonesia at Japan.

Pinangunahan nina Volleyball World CEO Finn Taylor and Federation of Intenational Volleyball (FIVB) president Ary da Silva Graça Filho ang nasabing anunsiyo.

Sinabi ni Taylor na napatunayan ng Pilipinas ang pagiging host ng mga malalaking volleyball events at maraming mga Pinoy ang nahihilig na rin sa nasabing sports.

Ito rin ang unang pagkakataon na gawin sa Asya ang torneo mula ng maging host ang Japan noong 2006.

Ang top 32 teams ay maghaharap sa mula Setyembre 12 hanggang 28 kung saan ang Italy ang defending champion na nagwagi noong 2022.