-- Advertisements --

Nangunguna ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya pagdating sa paghahanda sa pagtatayo ng nuclear power plant.

Ito ang tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa pagbusisi sa panukalang pondo ng kagawaran para sa 2026.

Ayon mismo kay DOE Secretary Sharon Garin, steady ang paghahanda ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa — bagay na ipinagtataka ni Senadora Pia Cayetano dahil mula umano sa kawalan ng nuclear energy ay nanguna na ang bansa.

Dagdag ni Garin, narepaso na ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang roadmap ng Pilipinas sa nuclear energy.

May 123 Agreement na rin ang bansa sa Estados Unidos at ibang bansa, at maraming kumpanyang interesado rito.

May mga survey na rin daw silang isinagawa hinggil sa acceptance rate ng nuclear power.