-- Advertisements --

Isang hakbang na lamang para maging ganap na batas ang panukalang magpapahintulot sa gobyerno na pansamantalang suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis sa gitna ng pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, aprubado na ng Kamara ang bersyon ng Senado ng panukala, na magbibigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kakayahang agad kumilos sa panahon ng matinding pagtaas ng presyo ng langis.

Binigyang-diin niya na minadali ng Kamara ang hakbang upang maibsan ang pasanin ng mga pamilya at negosyo na apektado ng tumataas na gastos sa krudo.

Umaasa rin si Marcos na agad itong maisasabatas upang maibigay ang kinakailangang ginhawa sa mga mamimili sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Marcos, mahalaga ang mahinahong pamumuno at agarang aksyon upang matugunan ang suliraning pang-ekonomiya na kinahaharap ng mga Pilipino.